top of page

Para sa mga biktima ng pang-aabuso, read n‘yo ‘to! TIPS PARA MATIGIL ANG BULLYING SA OPISINA

  • Hiraya
  • May 22, 2019
  • 2 min read

ANG pambu-bully ay puwedeng maranasan kahit saan — puwedeng sa internet, paaralan at trabaho. Bagama’t, hindi ito mahirap iwasan, walang sinuman ang dapat makaranas nito. Kaya mga besh, huwag kayong papayag na mangyari ito sa inyo, partikular sa inyong workplace. Upang maiwasan o malabanan ninyo ito, narito ang limang paraan para matigil ang pambu-bully sa trabaho:

1. CONFRONT YOUR COLLEAGUE. Bago ka gumawa ng mga hakbang, komprontahin mo muna ang sinumang nambu-bully sa iyo. Mabuting ipaalam mo sa kanya na nakaaapekto ito sa iyo. Puwedeng isipin ng katrabaho mo na nagpapatawa lamang siya pero, hindi niya napapansin na nagiging unprofessional na siya. Kung ire-report mo ang pambu-bully sa supervisor mo, make sure na sinubukan mo siyang kausapin tungkol dito.

2. KEEP CAREFUL RECORDS. Bago ka magsampa ng reklamo, make sure na na-document mo ang lahat ng insidente ng pambu-bully sa iyo. Kabilang na rito ang araw at oras ng bawat insidente, gayundin, kung may witness dito. Make sure na mayroon kang kopya ng written o digital correspondence na mayroon ka kasama ang iyong katrabaho.

3. REPORT INCIDENTS. Sa mga kumpanya rito sa atin, karaniwang inaayos ang ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa direct supervisor bago sa senior management o HR office. Mabuting ipangako sa iyong boss na magagawa mo pa rin ang iyong trabaho.

4. FILE A COMPLAINT. Kung ang bully ay ang supervisor mo, mabuting magtanong sa HR representative upang malaman kung paano maaayos ang sitwasyon. Make sure na may hawak kang dokumento o anumang magpapatunay na may nambu-bully sa iyo. Kung desidido ka nang magsampa ng reklamo, magagamit mo ang mga dokumentong ito bilang ebidensiya. Gets?

5. CONSULT AN ATTORNEY. Besh, kung hindi masosolusyunan sa loob ng kumpanya ang isyu kahit nagsampa ka ng kaso at nakipag-usap sa HR management, ang susunod na hakbang ay humingi ka ng legal advice. Para makasigurado, mabuting humanap ng abogado na nag-e-specialize sa employment law. Sa ganitong paraan, mas madali mong malalaman kung may discrimination laws na kailangan sa iyong sitwasyon.

Mga besh, hindi masamang lumaban lalo na kung trabaho ninyo ang naaapektuhan. Kung nabu-bully ka sa trabaho o kung may kakilala kayong nabu-bully, make sure na gagawin ninyo ang mga paraang ito para lumaban, ha? Fight lang! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page