Multicab nahulog sa bangin, 1 dedbol
- Levi Gonzales
- May 22, 2019
- 1 min read

ISANG negosyante ang namatay habang kritikal ang driver nito matapos mahulog sa bangin ang dala nilang sasakyan sa Provincial Rd., Bgy. San Antonio, Guinayangan, Quezon.
Base sa report, pasado ala-1:00 ng hapon, binabagtas ng Isuzu multicab na minamaneho ni Mario Manalo, 49, kasama ang nasawing pasaherong si Marion Lansona, 56, ang kahabaan ng highway.
Pagpasok nito sa kurbadang daan, nang iwasan nito ang kasalubong na sasakyan kung saan nataranta ito hanggang sa mawalan ng kontrol sa manibela.
Nagtuluy-tuloy ang takbo nito pakaliwa saka nahulog sa matarik na bangin.
Nagtamo ang dalawa ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan at mabilis na dinala sa pagamutan. Isa sa kanila ang agad na binawian ng buhay habang patuloy pang ginagamot ang driver.





Comments