Mag-uncle pinatay, binalutan ng packaging tape

DUGUAN at kapwa wala ng buhay nang madiskubre ang isang lalaki at kanyang pamangkin sa Jaro, Iloilo, kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Jimrod Eribal, 22, at pamangkin na si Tristan Zacary Eribal, 19. Natagpuan ang kanilang labi pasado alas-5:00 ng madaling-araw sa isang bakanteng lugar malapit sa national highway sa Bgy. La Paz.
Nakitaan ng tama ng bala sa katawan at binalutan pa ng transparent na packaging tape sa mukha ang magtiyuhin. Batay sa report, isa sa suspek si Jimrod sa ilang serye ng pagnanakaw sa La Paz.
Gayunman, mariin itong itinanggi ng kanilang mga kaanak.
Patuloy pa ang imbestigasyon para alamin kung sino ang responsable sa krimen at ano ang motibo.





Comments