top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kapitbahay tinodas

Levi Gonzales
May 22, 2019
1 min read

NAUWI sa pamamaril ang usapan ng dalawang lalaki matapos ang kanilang pagtatalo sa Sitio Niyugan, Bgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas.

Dead-on-arrival sa ospital si Pedro Dy, 42, may asawa, makaraang barilin ng suspek na si Noli Rosete, 39, kapwa residente sa lugar.

Batay sa imbestigasyon, alas-11:30 ng gabi, napansin pa umano ng kanilang kapitbahay ang pag-uusap ng dalawa.

Makalipas ang ilang minuto nang makarinig umano sila ng dalawang putok ng baril.

Duguang nakahandusay sa gilid ng kalsada na may tama ng bala sa katawan ang biktima habang tumakas ang suspek.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa cal. .9mm. Nagpapatuloy ang isinasagawang pagtugis ng pulisya sa nakilalang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page