Fil-am tiklo sa liquid marijuana

KALABOSO ang isang Filipino-American makaraang tangkain nitong i-claim ang 30 vape cartridges na naglalaman ng cannabis oil or liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Kinilala ng Bureau of Customs ang suspek na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, na kukunin sana ang parcel na ipinadala mula sa China.
Kinumpirma ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na liquid marijuana ang nasa loob ng vape cartridges na nagkakahalagang P45,000.
Ang naturang parcel ay ipinadala ng isang Michael Arash Abedzadeh mula Shanghai, China.
Mahigpit na ipinagbabawal ang importasyon ng cannabis oil o liquid marijuana sa ilalim ng Philippine Dangerous Drugs Act.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang suspek habang inaayos ang kaso laban sa kanya.





Comments