top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

CURRY AT GREEN, BINITBIT ANG WARRIORS SA FINALS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2019
  • 2 min read

TRIPLE double performance ang pinakawalan nina Stephen Curry at Draymond Green kasunod ng game-clinching hoop sa overtime game kahapon nang hindi na papormahin pa ng Golden State Warriors ang host Portland Trail Blazers sa Western Conference Finals sa bisa ng 119-117 victory.

Ang panalo na iyon ang nagtuntong muli sa Warriors sa kanilang ika-5 sunod na NBA Finals. Hihintayin na lamang nila ang magwawagi sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Toronto Raptors habang naglalaro pa ang Bucks at Raptors sa kani-kanilang best-of-seven series kung saan lamang ang Milwaukee Bucks ng dalawang panalo.

Nakapatas na ng Golden State, ang two-time defending champion Boston Celtics (1957-66) bilang tanging teams na umabot sa limang sunod na NBA Finals. Naglaro nang wala si Andre Iguodala, Kevin Durant at DeMarcus Cousins, namuno ang Warriors sa 116-115 bago naispatan ni Curry si Green sa isang open attempt para kanain ang tres puntos at itulak ang Golden State sa kalamangan ng 4 sa nalalabing 39.6 segundo sa OT game. Nahawakan ni Damian Lillard ang bola para sa Portland mula sa 119-117 na iskor sa 32.8 segundong nalalabi sa bisa ng driving hoop.

Subalit na-shotblock ni Klay Thompson si Lillard at makaraang maagaw ng Portland ang bola sa nalalabing 2.5 segundo, nagmintis ang tangkang tres puntos ni Lillard at doon na natapos ang season ng Trail Blazers.

Hawak ni Curry ang 37 puntos makaraan ang laro, 13 rebounds at 11 assists. May 18 puntos si Green, 14 rebounds at 11 assist para sa Warriors na nagwagi ng ika-6 nilang straight playoff game kontra Portland.

Ang triple-doubles ang una para sa teammates sa NBA postseason history. Ikaapat naman ito ni Green sa kanyang postseason habang si Curry ay una niya pa lamang. Nakagawa si Thompson ng 17 puntos, sina Alfonso McKinnie at Ke­von Looney ay may naga­wang tig-12 puntos para sa Warriors na nagwagi ng ika-11 straight playoff series.

Nagpakawala si Meyers Leonard ng career-best 30 points, si Lillard ay may 28 at si CJ McCollum ay may 26 para sa Trail Blazers, na nakasampa sa ibabaw ng eli­mi­nation ng dalawang beses sa nakaraang serye laban sa Denver Nuggets. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page