top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Babaeng problemado sa pagiging mainitin ang ulo

ROMA AMOR
May 22, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Emma, 25 years old. Gusto kong humingi ng payo kung ano ang dapat kong gawin dahil kahit mahal na mahal ko ang aking ina at mga kapatid ay hindi ko maiwasang maging mainitin ang ulo sa kanila at palagi ko silang napagsusungitan at nasasagot nang pabalang? Gayundin, tuwing nasa trabaho ako ay napakarami kong planong gawin pag-uwi ko para mapasaya sila sa kahit maliliit na biro at bagay, pero hindi ko magawa. ‘Yung tipong hanggang plano lang ang lahat, madalas, balak kong ako ang maglalaba ng maruruming damit namin, ngunit, hindi kaya ng katawan ko, bigla na lang akong mapipigilan kasi pagod pa ang katawan ko at kailangan ko ulit pumasok sa trabaho kaya hindi ko nagagawa. — Emma

Emma, Sadyang hindi madaling kontrolin ang init ng ulo at ang pagsagot nang pabalang, ngunit, kung itatanim mo sa iyong isip na iginagalang mo ang iyong mga magulang at mahal mo silang tunay, makokontrol mo ito nang paunti-unti. Sikapin at kayanin mo ‘yan. I-set mo ang goal na dapat hindi ka na maging palasagot. Ilista at sikapin mong huwag nang ulitin. Ang paunti-unting pagsisikap ay maaaring maging habit hanggang sa makaugalian mo na. Kung palagi mong hahayaang talunin ka ng negatibong puwersa, sa huli, magiging talunan ka dahil masasabi mong hindi mo man lang naiparamdam sa kanila na mahal na mahal mo sila. Kami ay humahanga rin sa iyo sapagkat ramdam namin ang iyong pagnanasang magbago. Kaya mo ‘yan, girl, tiwala lang at samahan mo ng panalangin. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page