Alamin mula kay Señor... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGPAG

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Fiona ng Fiona _Libra Gurl@facebook. com
Sa iyo Fiona,
Noong nakaraan, ibinahagi natin ang lihim na kaalaman kung bakit pinagsusuot ng kulay red ang mga tao para hindi multuhin.
Narito, iha, ang ilang paniniwala na mahalagang malaman din natin, lalo na ngayong makabago na ang mundo.
Sa pakikipaglamay, dapat gawin ang tinatawag na “pagpag”, kumbaga, pupunta muna sa ibang lugar bago umuwi sa bahay.
Ito ay ayon sa lumang paniniwala para ang kaluluwa ng namatay ay hindi ka sundan sa iyong pag-uwi.
Hindi natin masasabing hindi totoo ang mga naniniwala sa nasabing pagpag dahil marami rin ang nagpatunay na ang naglamay ay dinalaw ng kaluluwa ng namatay dahil nakalimutan nila ang “pagpag” at ang iba ay hindi seryosong ginawa ang pagpag.
Sa ngayon, moderno na ang mundo, pero maganda pa ring isabuhay natin ang nasabing tradisyon.
Samantala, may mga naglalamay na nakikiramay ay mahina na ang katawan o kalusugan dahil ang taong kulang sa tulog ay madaling magkasakit kaya ito rin ang dahilan kung bakit kailangang gawin ang “pagpag” dahil na rin sa pag-iingat na ang mga naglamay ay nakadaupang-palad. Bawal din ang magwalis o maglinis kapag may patay.
(Itutuloy)




Comments