top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 sangkot sa droga, utas sa parak

Maeng Santos
May 22, 2019
1 min read

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang patay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga nasawi na sina ‘Jeff’ at ‘Vincent’, kapwa ng Bgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Ayon kay Col. Balasabas, alas-10:30 ng gabi, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa drug pusher sa Bgy. NBBN nang maispatan ang mga suspek na may hawak na shabu na naging dahilan upang sitahin ang mga ito.

Sa halip na sumuko, bumunot ng baril si ‘Vincent’ at pinaputukan ang mga operatiba na gumanti naman ng mga putok na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Tumakbo naman papasok sa kanilang bahay si ‘Jeff’ at paglabas ay armado na ng baril saka nakipagbarilan sa mga operatiba na nagresulta rin ng kanyang kamatayan.

Nakumpiska mula kay ‘Vincent’ ang cal. .45 pistol na kargado ng magazine at tatlong bala at isang plastic cellophane na may lamang shabu, habang ang cal. .38 revolver at dalawang sachets ng shabu ay narekober naman kay ‘Jeff’.

Nakuha rin ng pulisya sa loob ng bahay ng mga suspek ang isa pang plastic cellophone na may lamang shabu, ilang drug paraphernalias, P4,800 cash at cellphone.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page