Titser, patay sa jeep

DEDO ang isang guro habang dalawa pa ang sugatan nang araruhin ng pampasaherong jeep makaraang mawalan ng preno, kahapon ng tanghali sa Ramon Magsaysay Boulevard corner Pureza St., Sta. Mesa, Manila.
Kinilala ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang biktimang si Bienvenido Luha, Jr., 49, teacher sa Rosauro Almario Elementary School, residente ng Sta. Mesa, Manila.
Arestado naman ang driver ng jeep na si Fernando Florida na nagpahayag na nawalan umano siya ng preno. Nadale rin matapos masalpok ng motorsiklo ang closed van na minamaneho naman ni John Lee Espiritu.
Kaugnay nito, aalamin naman ni MDTEU SPO2 Mark Anthony Ramirez ang pangalan ng dalawa pang nasugatan matapos madamay sa insidente. Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries ang suspek.





Comments