Sinaksak ng screwdriver sa leeg, isinako | 5 YRS. OLD TODAS SA KAPITBAHAY

DINUKOT ang 5-anyos na babae saka pinatay sa Sitio 1, Bgy. Patimbao, Sta. Cruz, Laguna. Batay sa initial report, pasado alas-9:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Redelyn Sumague, na nakasilid sa ecobag.
Bago naganap ang insidente, nakita pa ang bata na naglalaro sa labas ng bahay na pinagtatrabahuhan ng kanyang ina, bago tuluyang nawala.
Natukoy naman ang responsable sa krimen na si Glenn Ford Manzanare, 30, na umamin na siyang dumukot at pumatay sa bata.
Ayon sa suspek na umano’y adik, nawala siya sa kanyang sarili at sinaksak ang kapitbahay na biktima gamit ang kutsilyo at screwdriver.
Nagtamo ng malalim na sugat sa leeg ang bata at umano’y pinagsasaksak pa.
Samantala, hinihintay na lamang ng mga awtoridad ang resulta ng autopsy report kung ang bata ay ginahasa.





Comments