top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Shocked daw nang malamang palit sa kanya para kay Kathryn… DANIEL, 'DI MAGAWANG BANGGITIN ANG NA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2019
2 min read

SA isang interview, nag-open-up si Daniel Padilla na hindi talaga siya sanay na magkahiwalay sila sa trabaho ni Kathryn Bernardo.

As we all know, nag-shooting si Kathryn kasama ang bagong leading man sa movie na si Alden Richards sa Hong Kong for one month.

Ilang linggo pa lang mula nang umalis sa ‘Pinas si Kathryn, dinalaw na ito ni Daniel sa HK para sorpre­sahin sa shooting.

Pahayag ng aktor, “Hindi ako sanay, eh. Hindi ako sanay sa sitwas­yon. Parang naninibago ako sa sitwas­yon na ganito. Ang layu-layo niya at napakatagal du’n, naku, dyusko!

“So, kinailangan kong makarating du’n. Kailangan kong makarating du’n dahil hindi na rin kinakaya ng puso ko.”

Pero ‘di naman pala first time itong nangyari sa kanila. Nu’ng time raw na Princess and I series ni Kathryn nu’ng 2012, naghiwalay din sila sa trabaho.

“Imadyinin n’yo ‘yung araw-araw kayong magkasama nang ilang taon, tapos biglang… pak! And then suddenly, this happened,” sabi pa ni DJ.

Pero alam naman ni Daniel na kailangan ni­lang harapin ang mga ganitong bagay.

He said, “Nu’ng simu­la, you know, sabi ko, hindi ka pa talaga sa­nay, hindi ka ready, eh. Pero kailangan mong intin­dihin at kailangan mong suportahan ‘yung gina­gawa ng nobya mo dahil hindi rin naman biro ‘yung pagod na ibini­bigay niya ru’n.”

Ini-reveal din ni DJ na nag-reach out at nag-text sa kanya si Alden.

Kuwento niya, “Nag-text ‘yung tao na ‘yun sa akin bago sila nagsimulang mag-shoot. Hindi lang ako nakapag-reply pa at hindi pa ako personal na... hindi pa kami nagkikita.”

Nagpaliwanag din siya kung bakit ‘di siya sumagot sa text ni Alden.

“Isipin mo, ano’ng iri-reply ko sa isang text na ganu’n, ‘di ba? Saka para sa akin, sa personal na lang ako. Ayoko nang sabihin sa inyo kung ano’ng sasabihin ko ru’n, pero I prefer the personal meet up.”

Nasorpresa raw talaga siya nu’ng malamang ipapareha si Kath kay Alden.

He was all praises though for the Kapuso actor when he said, “In general, he’s a very professional guy. Hindi nahirapan si Kathryn na katrabaho siya at napakabuti nu’ng tao na ‘yun.

“Dahil bago pa ako nag-artista, nakatrabaho na siya ng ermat ko (Karla Estrada), at wala nang ibang sinabi ang nanay ko kundi kabutihan. Very comfortable ako.”

Patuloy ni DJ, “I’d like to thank the guy for being a good guy.”

Nagtataka lang kami sa interview kasi hindi mabanggit-banggit ni Daniel ang pangalan ni Alden. Why kaya?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page