top of page
Pokwang.jpg

Seaman dedbol sa van

Pabs Hernandez III
May 21, 2019
1 min read

QUEZON—Isang seaman ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van, kamakalawa sa Bgy. Canda Ilaya, Lopez sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Michael Tabuga, residente sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Tabuga nang aksidenteng mabangga ng van na minamaneho ni Ruel Bismar sa nasabing lugar.

Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng van.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page