PONS, REYNA PA RIN NG PSL BEACH CHALLENGE

PINATUNAYAN ni Bernadeth Pons na siya pa rin ang reyna ng buhanginan nang palakasin niya ang Petron XCS para sa ikatlong diretsong pagsungkit ng titulo sa Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup noong Sabado sa Capitol Beach Front sa Lingayen, Pangasinan.
Naglaro kahit na wala ang regular na partner na si Sisi Rondina, pinalakas si Pons ng kasamang si Dij Rodriguez nang dominahin sina Jackie Estoquia at Dhannylaine Demontano ng Sta. Lucia Santorini, 21-10, 21-14, sa finals upang makuha ang gold medal sa prestihiyosong summer league. Nabigo ang high-flying na si Rondina na kunin para sa University of Santo Tomas sa Game 3 ang korona ng University Athletic Association of the Philippines ‘81 women’s volleyball tournament best-of-three finals laban sa Ateneo noong Sabado.
Pero nanatiling matikas si Pons, pinangunahan ang Blaze Spikers sa malakas na simula hanggang dulo upang dominahin ang Lady Realtors tungo sa pagkopo ng grand slam.
“Sisi told me to defend the title,” ayon kay Pons, dating Far Eastern University star na makakasama ni Rondina sa FIVB Beach Volleyball World Tour sa Boracay sa huling bahagi ng buwan. “At first, I was a little worried to have a new partner because we all know how Sisi plays. But as they say ‘worry attracts problem’ so I changed my worry into trust. I know she’s already experienced playing on sand so I trusted her and she trusted me. We trusted and helped each other to claim this victory.” Samantala, ginapi nina Bianca Lizares at Jennifer Costas ng Sta. Lucia Woodside sina Derie Rose Virtusio at Mary Rose Jauculan ng Petron Sprint 4T, 21-16, 14-21, 17-15 para sa bronze medal.
Sa men’s play, ang tambalan nina Edmar Bonono at Ran Abdilla ng Cignal ay hindi pinaporma ang tambalan nina Kris Guzman at Efraem Dimaculangan ng Foton para sa gold, 21-18, 19-21, 15-13, habang sina Jason Lindo Uy at Philip Michael Bagalay ng Philippine Army ay giniba sina Joshua Mina at Joshua Pitogo ng Emilio Aguinaldo College, 21-17, 21-14 para sa bronze-medal match.





Comments