Nadine at Kathryn, out! JAMES AT DANIEL, MAGSASAMA SA MOVIE

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA unang pagkakataon, magsasama ang dalawang matinee idol na sina James Reid at Daniel Padilla para sa isang proyekto.
Magsasama ang dalawa para sa Doble Hataw, na idinescribe ng off screen partner ni Kathryn bilang, “Sobrang cool. Masaya. Siyempre first time ko rin makasama si James. Sobrang chill lang. Masaya and ‘yung buong production, super chill, mabilis magtrabaho, masaya.”
Ipinost din ni James sa kanyang Twitter account ang Doble Hataw at sinabing excited na excited na siya sa unang pagsasama nila ni Daniel.
Ani James, “So thrilled to finally be able to work with Daniel on a project this big and action-packed! Excited na rin ba kayo para sa #DobleHataw?”
Ayon kay James, nagkaroon sila ni Daniel ng good time sa shooting at ang pinaka-enjoy niya raw ay ang aksiyon ng pagda-drive nila.
Kuwento ni James,“We had a good time. Siguro ‘yung action, the drifting, driving the cars, that’s definite the coolest part of the shoot.”
Samantala, mukhang excited na rin ang madlang pipol ang unang pagsasama ng dalawang aktor kung saan binansagan pa silang JamNiel.
Narito ang ilang komento ng netizens:
“Bakit ang lakas ng chemistry n’yo together?! .. This is a nice project as a start. #Jamniel,” one netizen wrote.
Sey naman ng isang netizen, “I’m so happy with this project parang dream come true to end this war between the two fandoms.”





Comments