Katrabaho pinatay sa b-day party

ISANG tama sa kaliwang dibdib ang ikinasawi ng construction worker matapos saksakin ng kanyang katrabaho sa Sitio Sampaloc, Bgy. Camflora, San Andres, Quezon.
Alas-10:30 ng gabi, kapwa nasa birthday party ang biktimang si Macky Porpora, ng Calauag, Quezon at ang suspek na si Ritchie Casilla, 31, ng San Luis, Agusan del Sur.
Magkasama pa ang dalawa at nag-iinuman nang magtalo hanggang sa suntukin umano ng biktima ang suspek.
Pagtayo ng suspek, agad umanong bumunot ng patalim saka sinaksak sa dibdib ang biktima. Agad itong dinala sa ospital subalit, binawian din ng buhay.
Sumuko naman sa barangay official ang suspek at dinala sa pulisya upang masampahan ng kaukulang kaso.





Comments