Kahit Kapuso star pa… SANYA, GAME MAG-DARNA


WILLING namang mag-audition si Sanya Lopez sa Darna kahit pa Kapuso star siya if ever na sabihan siya ng GMA-7 management.
As we all know, Star Cinema ang producer ng Darna na movie arm ng ABS-CBN kaya medyo malabo na mapili ang mga Kapuso stars.
“Kung mag-i-invite sila (Star Cinema), kung may invitation or audition sa GMA mismo, sila na po ang bahala. Kapag pumayag, why not? Hindi naman ako nagko-close ng door,” pahayag ng aktres nang matanong tungkol dito at the presscon of her drama series, Dahil sa Pag-ibig.
Pero ikino-consider niya?
“Basta kung may invitation po, why not? Darna is Darna. Pero kailangan mong paghandaan ‘yun, eh. It’s not just a role. Kumbaga, it’s an icon na kailangan nating alagaan. Kung sino ang mapipili ru’n, kailangan niyang gampanan nang maganda.”
Kahit Kapuso star si Sanya, isa siya sa mga napipisil ng mga netizens to play the iconic role at para sa kanila, bagay na bagay ang Kapuso actress na gumanap rito.
To this, very thankful naman si Sanya.
“Siyempre, una po sa lahat, maraming salamat du’n sa mga taong naniniwala sa akin, na kumbaga, nagugustuhan nilang mag-Darna ako. Very happy, siyempre. Hello, si Darna po ‘yan! Empowered woman, sobrang strong ng personality, and iconic,” she said.
Samantala, no boyfriend since birth pa rin si Sanya at hindi naman daw siya nape-pressure na magkaroon ng BF.
“Actually, masaya ako na ganito pa sa ngayon, eh. Sabi ko before, ‘Bakit ba hindi ko iniisip pa sa ngayon ‘yung pagkakaroon ko ng boyfriend?’ Siguro, lahat may panahon, and until now, ‘yung panahon ko, nandu’n pa rin ang trabaho.
“Hindi ko naman ikino-close ‘yung door ko pero kung darating siya, darating siya. Ayoko na parang naghahanap ako. Kasi, mas maganda ‘yung bigla na lang siyang darating na hindi mo ini-expect, ‘di ba?”
Sa Dahil sa Pag-ibig ay si Benjamin Alves ang isa sa mga leading men niya (ang isa ay si Pancho Magno na happily married na kay Max Collins) na laging nali-link sa leading lady. Paano kung ligawan siya ng aktor?
“I’m not pushing myself na kailangan, ma-in love ako ngayon. Pero kung mangyari naman na mahulog tayo sa isang tao, hindi rin naman natin masasabi kung anuman ang mangyari. Hinahayaan ko ‘yun, sige. Tingnan natin. Ganu’n.
“Pero kung wala pa naman, huwag nating pilitin ang sarili natin. And so far, mabuti po kaming magkaibigan ni Benj,” sey pa ng dalaga.





Comments