2 kelot binoga ng bebot
LAGUNA—Dalawang lalaki ang sugatan nang barilin ng babaeng kanilang kainuman, kamakalawa sa Bgy. Sala, Cabuyao City sa lalawigang ito.
Ang mga biktima ay nakilalang sina John Balendo at Jeffrey Cachalian, samantalang, ang suspek ay si Imelda Salvador, pawang residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at dalawang biktima na humantong sa pamamaril ng babae kina Balendo at Cachalian.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments