top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Walang damit pang itaas, tumotoma sa labas, nagyoyosi etc. 223 PINAGDADAMPOT

  • Gina Pleñago
  • May 20, 2019
  • 1 min read

DINAMPOT ng mga pulis ang nasa 223 katao dahil sa mga paglabag sa ordinansa sa katimugang Metro Manila sa nakalipas na 24-oras.

Base sa ulat ni B/Gen Eliseo Cruz, Director ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng im­plementasyon ng mga ordi­nansa ang mga awtoridad sa mga lungsod ng Pasay, Pa­rañaque, Makati, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at mu­nisipalidad ng Pateros, alas-5:00 ng madaling-araw, ka­makalawa na nagtapos ng alas-5:00 ng madaling-araw, kahapon.

Sa naturang bilang, 37 dito ang nahuling umiinom ng alak sa pampublikong lugar, 25 ang naninigarilyo, 20 ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, 137 ka­bataan na lumabag sa curfew at apat na iba pa sa illegal vending.

Batay sa report, pinaka­mataas na bilang ng ordi­nance violators sa Paraña­que City na pumalo sa 77 ha­bang 68 naman ang naitala sa Taguig City.

Siniguro naman ng SPD chief ang seguridad at ka­ligtasan ng publiko sa kan­yang nasasakupan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page