top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nanggulpi at nambato, 3 kelot kulong

Maeng Santos
May 20, 2019
1 min read

KULONG ang tatlo ka­tao matapos pagtulu­ngang gul­pihin at pagbabatuhin ng bato ang tatlo katao sa Ca­loo­can City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Adorna, Chris­topher Royo at Mark Renel Bernardino na naha­harap sa kaukulang kaso ma­tapos maaresto ng rumes­pondeng mga barangay tanod ng Bgy. 168.

Sa inisyal na ulat, alas-11:55 ng gabi, bumaba ng pampasaherong jeep si Jo­lina Cortez, kasama si Rey­nald Libayan sa kahabaan ng Vicas Market Susano Road, Bgy. 168, Deparo nang kan­tiyawan ng mga suspek.

Sa hindi malamang da­hilan, bigla na lamang pinag­tulungan gulpihin ng mga suspek si Libayan na naga­wang makatakbo sa karin­derya na malapit sa lugar. Humingi ng tulong si Cortez kay Danilo Pisos na nagtangkang umawat suba­lit, pinag­tulungan din itong bugbugin ng mga suspek at pagbabatuhin ng bato sa ulo, mukha at dibdib.

Matapos nito, naglabas ng patalim si Bernardino at tinangkang undayan ng sak­sak si Emiliano Garcia na nakailag ngunit, hindi naka­ilag sa inihagis na bato ni Royo sa kanyang mukha na naging dahilan upang mawa­lan ito ng malay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page