top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

May kasamang 20-anyos | 62-ANYOS NA EMPLEYADO NG CITY HALL PATAY SA MOTEL

Mylene Alfonso
May 20, 2019
1 min read

TODAS ang 62-anyos na retiradong empleyado ng Manila City Hall matapos atakihin habang nasa motel kasama ang 20-anyos na babae, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si ‘Wilfredo’, 62, ng Varona St., Tondo, na idineklarang patay alas-8:25 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ni P/ Corporal Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, alas-7:00 ng gabi nang mag-check-in ang biktima sa Century Pension House sa Rizal Avenue, Sta. Cruz at doon umano nakipagkita kay alyas Wanda.

Ayon kay ‘Wanda’, pumunta siya kay ‘Wilfredo’ upang manghiram ng P1,000 para ipambili ng gatas ng kanyang bagong panganak na kambal.

Habang nakaupo umano sa dulo ng kama ang biktima, bigla itong bumagsak at naghabol ng hininga kaya agad nagpasaklolo sa staff ng hotel upang maisugod sa pagamutan ang biktima pero, hindi na rin umabot nang buhay sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page