Ipoproklama na ang panalong senador at partylist, puwede nang mag-budots sa EDSA, he-he-he!
- BULGAR

- May 20, 2019
- 1 min read
HINDI raw naospital si P-Digong.
Pero, hindi rin sinabi kung nagbabad siya sa Netflix!
◘◘◘
MALAPIT nang iproklama ang mga nagwaging senador at partylist.
Puwede na silang mag-budots dance sa EDSA!
◘◘◘
NAGPA-CANTON na si Sen. Manny Pacquiao sa mga nagwaging PDP-Laban candidates.
Nauna ang blowout sa proclamation!
◘◘◘
BAKIT daw natalo ang Otso Diretso?
Mali kasi ang gamit ng mga kataga.
Imposibleng maging diretso ang no. 8!
◘◘◘
KAPAG idiniretso ang no.8, magiging no.1 at hindi na otso.
Kasingkahulugan ng otso ay baluktot tulad ng nabalikong gulong at paliku-likong kalye!
◘◘◘
INAMIN ng naturang grupo na ang ‘tuwid’ na daan ni ex-P-Noy ay ginawa nilang otso.
Ibig sabihin, suntok sa buwan ang Otso Diretso!
◘◘◘
NILINAW ni Manila Mayor-elect Isko Moreno na hindi gigibain ang Manila Zoo at Arroceros Park.
Paano naman ang reclamation sa Manila Bay?
◘◘◘
Isa nang ‘presidentiable’ ang richest woman sa Pilipinas na si Cynthia Villar.
Mano po ninang!
◘◘◘
Biglang dumami ang karibal sa Malacañang ni Mayor Sara.
Magsisimula nang mag-black propaganda ang mga kolokoy!
◘◘◘
PINAYUHAN ni P-Digong si Inday Sara na huwag kumandidatong pangulo ng bansa.
‘Yan din mismo ang payo ni Inday Sara kay P-Digong bago nagwagi noong 2016!





Comments