top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alamin mula kay Señor... MGA BAGAY NA DAPAT GAWIN PARA HINDI MULTUHIN

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Fiona ng Fiona_LibraGurl@facebook.com

Dear Señor,

Taga-Dagupan ako, rito sa Tondo. Itata­nong ko lang kung totoo ba na kapag naka-red ay hindi ka mumultuhin ng kaluluwa ng namatay?

Ang sabi ng mga kaibigan ko ay mag-red daw kami dahil baka dalawin kami ng bar­kada namin na napatay ng mga pulis.

Hihintayin ko ang sagot ninyo.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Fiona

Sa iyo Fiona,

Oo, iha, mas maganda na naka-red ang mga naiwang mahal sa buhay ng namatay dahil ang red ay simbolo ng celebration. Kaya kapag dinalaw kayo ng kaluluwa ng kaibigan ninyo na patay na at kapag nakita niya ang kulay red, maalala niya ang “in death there is life”.

Ito, iha, ang tungkol sa “muling pagkabuhay” na sa tuwing may mamamatay ay sinasabi ng mga pari na ang patay ay muling mabubuhay kapiling ni Lord.

Mahirap paniwalaan, pero ang katuruang ito ay ang mismong pinaniwalaan ng Inang Simbahan, ‘yun nga lang hindi itinuturo sa mga tao, pero ngayon ay ipinaaalam ko na sa iyo.

Bukod sa pagsusuot ng red, iminumungkahi rin ang mga sumusunod para hindi multuhin ng kaluluwa ng namatay:

  1. Huwag kakainin ang mga pagkaing mahirap matunaw tulad ng mga karne bago matulog.

  2. Hindi rin dapat kainin ang mga oily food tulad ng mani, tsokolate at iba pa.

  3. Bawal din ang ice cream o ang mga matatamis na dessert.

  4. Uminom ng maraming tubig bago matulog.

  5. Hindi rin maganda na sa pagtulog ay nakasuot ng masikip na damit.

  6. Hindi rin maganda na nakahiga ng diretso o tuwid na tuwid nang may katagalan.

  7. Bawal na bawal hawakan ang sarili.

  8. Bawal din ang maiksing kumot.

  9. Ang matigas na unan ay mas lalong bawal. Ang sobrang lambot na unan ay bawal din.

  10. Hindi maganda na nakabukas ang bibig ka­pag natutulog.

  11. Ang unat na unat ang paa ay bawal din.

  12. Hindi rin dapat madilim sa silid-tulugan.

  13. Dapat ay nakasara ang bintana at pintuan.

  14. Ang sandals o tsinelas ay dapat wala sa loob ng kuwartong tinutulugan.

Dapat din ninyong malaman na ang mga kaluluwa ng patay ay dumadalaw lang sa mga kakilala niya o sa mga mahal niya sa buhay na hindi pa matanggap ang kanilang pagkamatay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page