Tsino, 3 pa timbog sa P20-m shabu

NASA mahigit P20 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa apat na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang Chinese national na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Lianlai Wu, Chinese national, Florencio Serdon, Sunbenny Marquez, Jr. at Christopher dela Cruz.
Ayon sa ulat, kahapon ng umaga nang ikasa ng pinagsamang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. David Nicolas Poklay ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Cadena de Amor St., Bahayang Pag-asa, Bgy. Maysan.
Isa sa mga operatiba ng PDEA ang nagpanggap na buyer na nagawang makaiskor ng sachet ng shabu sa mga suspek kapalit ng P1,000 marked money.
Nang malaman na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska rin ang nasa tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nasa P20 milyon ang street value at buy-bust money.





Comments