Sekyu hinagisan ng hollow block, utas

PATAY ang isang security guard matapos hagisan sa ulo ng hollow block sa kanyang pinapasukang trabaho sa Bgy. Assunta, San Simon, Pampanga.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Romeo Manabat, ng Bgy. Saplad David, Macabebe, Pampanga, na duguan.
Natagpuan sa crime scene ang dalawang hollow blocks na posibleng inihagis sa ulo nito bago iniwang wala ng buhay.
May posibilidad namang kasamahan nito sa trabaho ang nasa likod ng pagpatay dahil bago naganap ang krimen ay naiinggit umano ito sa biktima.
Nawawala rin ang motor nito na tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek.
Winasak din ng suspek ang mga nakakabit na CCTV sa lugar upang hindi matukoy ang responsable rito.
Patuloy ang pagkalap ng ibang impormasyon ng imbestigador para sa agarang ikalulutas ng krimen.





Comments