PHIL JIU JITSU FIGHTER, 10 GOLD MEDAL ANG HAHAMIGIN SA SEAG

“KUKUNIN natin ang 10 sa 11 golds at ibibigay natin ang isa sa Laos.”
Ito ang buong tiwalang sabi ni coach John Baylon sa panayam at ayon sa judo legend ay kaya itong gawin dahil ang mga Pinoy ang pinakamalakas sa jiu jitsu sa 11 mga bansa na kalahok sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa ‘Pinas bago matapos ang taon.
“Hindi popular sa kanila ang jiu jitsu na ‘di tulad sa atin ay maraming naglalaro. Kaya naman nasabi na kaya nating kunin ang lahat ng medalya na nakataya sa jiu jitsu,” sabi ni Baylon na naglalakad patungo sa gym.
Pangungunahan nina Annie Ramirez at Filipino-Brazilian Margarita Ochoa ang medal campaign sa jiu jitsu at umaasa si Baylon na muli nilang dodominahin ang kanilang division tulad nang ginawa nila sa Asian Indoor and Martial Arts Games na ginawa sa Ashgabat, Turkmenistan.
Sina Ramirez, tubong Bicol, at Ochoa ay beterano sa nakaraang Asian Games sa Indonesia at naglaro sa maraming international competitions.
Sinabi ni Ramirez, gold medalist sa martial arts competition na ginawa sa Da Nang, Vietnam, na gagawin niya ang lahat at gagamitin ang malawak niyang karanasan upang muling bigyan ng karangalan ang ‘Pinas at ang kanyang mga kababayan na ngayon lang siya mapapanood ng personal.





Comments