Magsasaka tepok sa kaalitan
- Pabs Hernandez III
- May 19, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang napatay nang barilin ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Silangan, Carmen sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Esmail Kalis, samantalang, ang suspek ay si Anok Lubalang, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Kalis at Lubalang na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments