top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Konstruksiyon ng 6 istasyon ng PNR, sisimulan na

Gina Plenago
May 19, 2019
1 min read

MAGSISIMULA na sa Mayo 21 ang konstruksiyon ng anim na istasyon ng Philippine National Railways Corporation (PNR) sa Clark Phase 1 Station sa ilalim ng North and South Commuter Railway Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), itatayo ang anim na istasyon sa Tutuban sa Maynila, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao at Bocaue sa Bulacan.

Magkakaroon muna ng contract signing tungkol sa proyekto bukas, Mayo 20, para sa package 1 habang ang package 2 ay matatandaang nilagdaan noong Pebrero 15.

Sa sandaling matapos na ang nasabing proyekto, inaasahang makapagseserbisyo ito sa tinatayang libu-libong mga pasahero, araw-araw.

Samantala, ang travel time naman mula sa Maynila hanggang Bulacan ay inaasahang magiging 35 minuto na lamang mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras.

Target na matapos ang 30 kilometrong rail line sa 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page