top of page
Pokwang.jpg

Inumpog, sinaksak sa leeg, binalot ng kumot | LA SALLE STUDENT NI-RAPE, PINATAY

Levi Gonzales
May 19, 2019
1 min read

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng college graduating student matapos matagpuan ang naaagnas nitong katawan sa loob ng kanyang tinitirhan sa Lourdes St., Miracle Height Subd., Bgy. Antipolo del Norte, Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Fidex Therese Maranan, 21, 4th year college student ng De La Salle-Lipa.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-3:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima nang magtungo ang kaanak nito sa kanya.

Pagpasok sa silid, bumulaga ang wala ng buhay na biktima na nakahandusay sa lapag at nakabalot ng kumot. Posible umanong ilang araw na itong patay dahil nasa state of decomposition na ang katawan ng biktima.

May tama ng saksak sa leeg, senyales na inumpog at positibo ring ginahasa bago ito pinatay. Prayoridad ngayon ng kapulisan sa pamumuno ni P/Col. Ramon Balauag, ang pagtutok sa kaso at nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page