HOROSCOPE | Mayo 19, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 19, 2019 (Linggo): Mapagbiro sa iyo ang kapalaran dahil aakalain mong hindi ka mapalad. pero sa huli, ang malalaking suwerte ay para pala sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaki ang mga suwerte mo. Kaya mas malaking ambisyon ang mas makabubuti para sa iyo. Ang totoo nga, kapag maliliit lang ang pangarap mo, maaaring mabibigo ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-24-29-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa malapit lang ang suwerte mo. Kahit hindi ka lumayo, gaganda pa rin ang kapalaran mo. Puwede ka ring buwenasin sa malayo, pero muli, ang suwerte mo ay nasa malapit lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-28-34-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Susuwertehin ka kapag mabilis kang kumilos. Nakakatakot, pero ito ang sabi ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-15-18-31-38.
CANCER (June 21- July 22) - Kung sino ang inaayawan mo, siya mismo ang suwerte mo. Mahirap paniwalaan, pero ito ay magkakatotoo. Kaya sa huli, ang mangyayari, ang ayaw mo ay magugustuhan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-24-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang may tiwala sa sarili at kapalaran mo. Hindi ka bibiguin ng langit, ang mga kagustuhan mo ay mapasasaiyo kahit pa dumaan ka sa mga mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-11-14-24-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang mabilis na magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin ng sa ganu’n ay magdagsaan sa buhay mo ang malalaking suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-24-28-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga kung luma o bago ang isusuot mo, ang importante sa lahat ay ang kitang-kita ang ganda mo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo na aakit sa mga suwerteng nasa iyong paligid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-18-22-29-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag maluwag ang puso mo, magsisipasok sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Kaya anuman ang mga kaganapan, mas magandang tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-19-28-38-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang mawawala sa iyo kung lalakasan mo ang loob mo. Ang totoo nga, kapag malakas ang loob mo, tiyak na maaakit mo ang mga suwerteng ang hinahanap ay matatapang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-16-24-40-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakatok sa puso mo ang suwerte mo. Ibig sabihin, magpapakita ng kakaibang pagtingin ang iyong bagong kakilala na nakahandang bigyan ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-22-23-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit lihim kang nalulungkot, umawit ka ng masayang musika. Kahit nag-aalinlangan ka, sundin mo ang payong ito dahil ito mismo ang nagsasabing susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-20-24-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag ka ng magtanong pa o mag-alinlangan. Kung saan ka dadalhin ng iyong mga paa, roon mo matatagpuan ang iyong mga suwerte sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-27-34-36-42.




Comments