Comelec, aminadong lumala ang vote-buying, wala namang ginagawa!

COMELEC, HANGGANG DAKDAK LANG SA ISYU NG VOTE-BUYING — Inihayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na mas lalo raw lumala ang vote-buying nitong katatapos lamang na 2019 Midterm Elections kaysa noong Halalan 2016.
Ganu’n lang ang sinabi niya, lumala raw ang vote-buying, pero bilang Comelec commissioner ay wala siyang sinabi na ipadidiskuwalipika ang mga kandidatong sangkot sa vote-buying, buwisit!
*** SEC. LOCSIN, POKUS SA KATU-TWEET, ‘NGANGA’ SA MGA OFW NA PINATAY, GINAHASA AT MINALTRATO SA IBANG BANSA — Ilang araw matapos mabalitaang ginahasa at pinatay ang OFW na si Constancia Lago Dayag sa Kuwait, nag-viral din sa social media ang OFW na si Lovely Baruelo na itinali sa puno at ibinilad sa araw dahil naiwan niya sa labas ng bahay ang mamahaling furniture ng kanyang amo sa Saudi Arabia.
Pero, si DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Lopez Locsin, Jr., imbes na ito ang pagtuunan ng pansin, eh, ang inaatupag ay pagtu-Tweet sa social media tungkol sa basurang ipinadala ng Canada sa Pilipinas, pwe!
*** KUNG TINUPAD LANG SANA NI P-DUTERTE ANG KANYANG CAMPAIGN PROMISE SA MGA OFW — Kung tinupad lang ni P-Duterte ang pangako niya noong 2016 Presidential Elections na kapag siya ang nanalong pangulo ay lilikha siya ng maraming trabaho sa Pilipinas at pauuwiin na ang mga OFW para sa bansa na lang magtrabaho, sana ay wala nang OFWs ang nakararanas ng pagpatay, panggagahasa at pagmaltrato sa ibang bansa.
Ang problema, lumikha nga ng maraming trabaho si P-Duterte, pero imbes na ang mga OFW o manggagawang Pinoy ang makinabang, sa mga iligal na manggagawang Chinese napunta ang mga trabaho. Tsk-tsk-tsk!
*** BALIK-SMUGGLING SI ‘BEBANG’ SA BUREAU OF CUSTOMS — Balik-smuggling operation na naman daw si “Bebang” sa Bureau of Customs.
Kung balik-operation na naman ang mga smuggler, ibig sabihin, hindi talaga natitigil ang smuggling sa Adwana, buwisit!





Comments