CBCP sa mga bagong senador | 'WAG MAGTRABAHO PARA KAY P-DIGONG

UMAPELA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananalo sa pagka-senador sa katatapos na halalan na huwag magpasa ng mga batas para lamang matuwa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ni Rodolfo Diamante, executive secretary ng Commission on Prison Pastoral Care ng CBCP na dapat unahin ng mga incoming senator ang kapakanan ng taumbayan.
Ang mga ipapasa aniyang panukalang-batas ng mga ito ay dapat na naglalayong matugunan ang mga problema ng bansa.
Giit ni Diamante, inihalal sila ng taumbayan para magtrabaho para sa kanilang kapakanan at hindi kay Pangulong Duterte.
Pinangangambahan ng CBCP na muling buhayin ang death penalty sa pagbubukas ng bagong Kongreso na hindi naman aniya solusyon sa problema ng kriminalidad sa bansa.
Una nang sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang posibilidad ng pagbuhay sa death penalty para sa high-level drug trafficking sa pagpasok ng 18th Congress.





Comments