Babaeng confused kung karapat-dapat para sa dyowa

Dear Roma, Ako si Shaira, hindi ako nakatapos ng college dahil kulang ang budget, pero may BF ako ngayon na nakilala ko dahil sa mga kaibigan ko. ‘Yung BF ko ay nanggaling sa pamilyang may kaya sa buhay, gayundin, nakapagtapos siya ng pag-aaral. Sa tuwing nagde-date kami ay palagi na lang siya ang gumagastos, ‘yung tipong ultimo pambili ng kendi ay siya pa rin dahil wala talaga akong maiambag. Dagdag pa rito, napakabait niya, samantalang, ako immature at kulang sa pang-unawa. Iniisip ko na hindi ako karapatdapat para sa kanya. Ano ang dapat kong gawin? — Shaira
Shaira, Alam mo, sis, dumarating din tayo sa punto kung saan naiisip natin na hindi tayo bagay para sa mga taong mahal natin dahil may mga bagay tayong hindi naibibigay sa kanila. Pero, sa totoo lang, hangga’t hindi nagrereklamo ang iyong partner hindi mo kailangang mangamba. Ang maipapayo namin sa iyo ay mahalin mo siya nang tapat at totoo nang sa gayun ay mas lalo niyang makita ang worth mo. Good luck at God bless sa iyo!





Comments