top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ANTETOKOUNMPO, BUMIDA SA BUCKS, 2-0 NA SA SEMIS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2019
2 min read

UMISKOR si Giannis Antetokounmpo ng 30 points, sumunggab ng 17 rebounds at 5 assists nang kumomando ang Milwaukee Bucks sa kaagahan ng laro at tinalo ang bisitang Toronto Raptors, 125-103, kahapon para sa 2-0 lead sa NBA Eastern Conference Finals.

Ang susunod na dalawang games ay idaraos sa Linggo at Martes sa Toronto. Dumagdag si Ersan Ilyasova ng 17 puntos para sa Bucks, habang sina Nikola Mirotic ay may 15 points, si Malcolm Brogdon ay may 14 puntos, si George Hill ay nakagawa ng 13 puntos at si Khris Middleton ay 12.

Umiskor si Kawhi Leonard ng 31 puntos at 8 rebounds para sa Raptors. May 15 puntos si Kyle Lowry, may 14 points si Norman Powell at si Serge Ibaka ay may 8 puntos at 10 rebounds.

Namuno pa ang Bucks sa 28 puntos sa 3rd quarter at pagpasok sa 4th ay may 17 puntos na kalamangan. Tinapyas ng Raptors ang iskor at ibinaba sa 15 sa bisa ng layup ni Leonards at free throw sa natitirang 6:10 minuto, pero mabilis na umagapay si Antetokounmpo sa tres.

Na-foul out si Pascal Siakam ng Toronto sa nalalabing 5:17 minuto upang matapos na may 8 puntos sa game. Umiskor ang Bucks ng unang 9 puntos sa laro, lamang ng halos 18 puntos sa unang quarter at lamang pa ng 35-21 sa sumunod na 12 minuto.

Humila pa ang Raptors ng 12 sa 2nd quarter, pero pumukol ang Bucks ng 19-point lead nang makapagtarak si llyasova ng tres sa nalalabing 4:58 minuto sa natitirang first half.

Nanguna ang Bucks sa 64-39 sa halftime. Binuksan ni Antetokounmpo ang third quarter sa layup at free throws, para makalamang ng 28 puntos.

Pero humabol ang Raptors sa 23 sa natitirang 9:26 sa 3rd nang makaengkuwentro ng foul trouble si Siakam para sa ika-5 niyang personal foul. Nakagawa si Fred VanVleet ng 5-footer shot sa nalalabing 3:52 minuto at may 13 puntos na lamang na ang Milwaukee. Inilayo pa ng Bucks ang lamang sa 19 sa bisa ng ilang sunod na layup ni Hill sa 3rd.

Tinapos ni Jodie Meeks ng Toronto ang 3rd quarter sa tres upang tapyasin ang pamumuno ng Milwaukee, 95-78. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page