47 out of 167 COCs; partial, official results — Comelec | BONG PASOK SA MAGIC 12

MALAPIT nang matapos ang canvassing ng mga boto para sa senatorial at partylist race ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 20 na lamang mula sa kabuuang 167 Certificates of Canvass (COC) ang isinasailalim sa canvassing ng NBOC.
Nabatid na alas-2:00 ng hapon, kahapon, Mayo 18, nang muling simulan ng NBOC ang canvassing at kung maita-transmit ang lahat ng 20 natitirang COC ay inaasahang matatapos na itong bilangin hanggang nitong Sabado ng gabi.
Narito ang huling tally ng NBOC-Comelec as of May 17.
1. Cynthia Villar - 23,610,580 2. Grace Poe - 20,711,849 3. Bong Go - 19,030,884 4. Pia Cayetano - 18,550,012 5. Ronald dela Rosa - 17,567,258 6. Sonny Angara - 17,027,333 7. Lito Lapid - 15,778,223 8. Imee Marcos - 14,775,948 9. Francis Tolentino - 14,387,602 10. Koko Pimentel - 13,563,083 11. Nancy Binay - 13,453,117 12. Bong Revilla - 13,442,578 13. Bam Aquino - 13,384,293 14. JV Ejercito - 13,344,417 15. Jinggoy Estrada - 10,512,191
Samantala, hindi tuloy ang proklamasyon ng mga mananalong senador at partylist ngayong araw.
Ayon kay Dir. Frances Arabe, ng Comelec-Education and Information Division (EID), hindi pa sila handa para magproklama ng mga kandidato dahil kailangan muna nilang matapos ang isinasagawang canvassing.
Paliwanag ni Araben, nakatuon ang kanilang desisyon ngayon kung magsasagawa ba ng special elections sa Jones, Isabela, kung saan nagkaroon ng agawan at panununog ng mga balota, na hindi nabilang.
Posible aniyang bago matapos ang araw ng Sabado ay desisyunan ito ng Comelec en banc.
Batay sa natanggap na petisyon ng Comelec, hinihiling na sa Lunes, Mayo 20, isasagawa ang special elections.
Sakali umanong papaboran ang kahilingan ay kakailanganin munang hintayin ng Comelec en banc ang resulta ng special elections, bago magproklama ng winning senators at partylist groups dahil nais umano nilang maisagawa sa isang araw lamang ang proklamasyon sa mga ito.





Comments