top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

3 holdaper utas sa pulis

Levi Gonzales
May 19, 2019
1 min read

TATLONG notoryus na holdaper ang nakipagbarilan hanggang sa mapatay ng kapulisan sa Bgy. Luta Sur, Malvar, Batangas.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente, hinoldap umano ng mga suspek na sina Ponciano Raul Leynes, 54; Leoncio Morada, 59, at dalawang hindi pa nakikilalang kasamahan nila ang Shell Gasoline Station sa Bgy. Bugtong, Lipa City.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Malvar, Batangas kung saan sila hinarang sa isang checkpoint.

Sa halip na huminto, agad umano silang umiwas hanggang sa magkahabulan at nagkaroon ng barilan.

Duguang bumulagta ang tatlo habang nakatakas ang isa sa kasamahan nila na patuloy na tinutugis.

Narekober sa crime scene ang tatlong cal. .45 at dalawang motorsiklong ginamit ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page