Simbahan pinasok cash at laptop tinangay

PINASOK ang isang Simbahan ng sinasabing kilabot na Akyat-Bahay Gang at natangay ang halos P.3 milyong halaga ng cash at laptop sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Nagtungo sa tanggapan ng Muntinlupa City Police si Fr. Eli Rowdy Lumbo, Executive Director at residente ng Inang Awa Parish Compound, New Bilibid Prison (NBP) Reservation, Bgy. Poblacion.
Sa inisyal na ulat, alas-6:00 ng umaga nang matuklasan ni Fr. Lumbo ang pagnanakaw sa loob ng Inang Awa Parish Compound, Philippine Jesuit Prison Service Office.
Tinangay ng hindi kilalang suspek ang kabuuang P251,718 cash at dalawang laptop na nagkakahalagang P25,000.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing kaso.





Comments