Respeto sa resulta ng halalan


HINDI pa man tapos ang bilangan, may mga kandidato nang nag-concede o tumanggap na ng kanilang pagkatalo at mayroon ding ‘sure win’ na sa kanilang puwesto.
Kaugnay nito, may mga supporter na nadismaya dahil hindi nanalo o mababa ang tsansa na manalo ang kanilang ‘manok’.
‘Ika nga nila, sa bawat laban, mayroong nananalo at may natatalo.
Ito ang dapat nating isipin upang matanggap na hindi man pabor sa ating kagustuhan ang nangyari, dapat natin itong isantabi dahil mas importante ang bayan kaysa sa ating sarili.
Sa panahong ito, mas kailangang magtulungan ang bawat isa upang masolusyunan ang mga problemang hinaharap ng ating bansa.
Kalimutan na ang samaan ng loob dahil sa pagkatalo ng sinusuportahan at bigyang-pansin ang mga isyu sa ating bayan.
Iba’t iba man ang ating pinaniniwalaan at pinaninindigan, siguradong iisa lamang ang gusto natin para sa ating bayan.
Kaya bilang mamamayan, dapat tayong magkaisa at rumespeto sa naging desisyon ng taumbayan.





Comments