top of page
Pokwang.jpg

Rayver, sori na lang… JANINE, TODO-BUYANGYANG KASAMA ANG IBANG LALAKI, PINAGPIYESTAHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2019
1 min read

GRABE ang kaseksihan at pagi­ging hot ni Janine Gutierrez sa cover ng Metro magazine kung saan kasama niya ang sikat na photographer na si BJ Pascual.

Naka-white two-piece si Janine ha­bang topless at kita naman ang brief ni BJ dahil nakababa ang suot nitong pants.

In fairness, wholesome naman ang pose ng dalawa kahit super hot at sizzling pa, kaya tiyak na hindi ito pag­se­se­losan ng boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz.

Marami namang kapwa celebrities ni Janine ang napa-wow sa sexy pictorial niya at kabilang na rito ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at sina Sarah Lahbati at Isabelle Daza.

Dahil sa ganda ng mukha at katawan ni Janine plus matalino pa, maraming netizens tuloy ngayon ang nagpu-push sa kanya na sumali na sa Bb. Pilipinas at Miss Universe para magkaroon uli ng bagong beauty queen ang Pilipinas pag­ka­tapos nina Pia at Catriona Gray.

Well, let’s see kung makukumbinse nila si Janine na enjoy sa kanyang showbiz career.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page