top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pulis binentahan | 5 TIMBOG SA DROGA

Maeng Santos
May 18, 2019
1 min read

TIKLO ang limang hi­nihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang dala­gang tulak na target ng iki­nasang buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Caloocan Po­lice Station Drug Enforce­ment Unit head P/Capt. Deo Cabildo, alas-2:30 ng mada­ling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pa­ngunguna ni P/Capt. John David Chua ang buy-bust operation kontra sa tulak na sina Diana Asisten alyas Diane, 32, at Jason Galero alyas Ulo, 27, sa Road 5 corner Tu­lay na Bato, GSIS Subd., Talipapa, Bgy. 164.

Nagawang makabili sa mga suspek ni PCpl. Rogelio Tu­mul na nagpanggap na poseur-buyer ng sachet ng shabu ka­palit ng P1,000 marked money.

Nang magbigay ang pulis ng signal sa kanyang mga kabaro na nagkaabutan na, agad lumusob ang back-up na mga ope­ratiba at sinung­gaban ang mga suspek.

Ani PCpl. April Teo­doro, narekober kay Asitena ang buy-bust money at isang pouch na naglalaman ng anim na sachets ng hinihi­na­lang shabu habang arestado rin sina Joefer Guache, 32, An­die Reyes, 42, at Rico Perez, 45, matapos makuha­nan ng tig-isang sachet ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page