Pang-15 sa partial, official results — Comelec | JINGGOY, NAG-CONCEDE NA

TINANGGAP na ni dating Senador Jinggoy Estrada ang kanyang pagkatalo sa senatorial race. Gayunman, mistulang nagpasaring naman si Estrada sa kapatid na si Senador JV Ejercito.
Matatandaang, may tampuhan sa pagitan ng dalawa matapos kapwa igiit na isa lang sa kanila ang dapat tumakbo sa katatapos na eleksiyon. Ayon kay Jinggoy, tanggap na umano niya ang kanyang pagkatalo.
Samantala, pinadalhan na umano ng imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong kandidato para sa proklamasyon ng mga nanalo sa pagka-senador sa Linggo.
Ayon sa source, binigyan na ng heads-up ng Comelec ang mga ipoproklamang nanalong senador sa mangyayaring proclamation ceremony. Ang imbitasyon ay mula umano sa tanggapan ni Comelec Chairman Sheriff Abas.
Gaganapin ang seremonya sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan isinasagawa ang canvassing ng National Board of Canvassers.
Ilan sa napadalhan umano ng imbitasyon ng poll body ay ang tanggapan nina Sen. Cynthia Villar at Sen. Grace Poe.
Gayunman, wala pang inilalabas na kumpirmasyon ang Comelec hinggil sa proklamasyon ng mga nanalo sa senatorial elections.
Samantala, ang nabilang ay 129 certificates of canvass (COC) sa kabuuang 167.
Narito ang huling tally ng NBOC-Comelec as of 9:30 ng gabi ng Huwebes, Mayo 16.
Cynthia Villar - 19,383,224 votes
Grace Poe - 17,043,889 votes
Bong Go - 15,685,847 votes
Pia Cayetano - 15,330,363 votes
Ronald dela Rosa - 14,529,585 votes
Sonny Angara - 14,023,811 votes
Lito Lapid - 12,628,054 votes
Imee Marcos - 12,618,428 votes
Francis Tolentino - 11,975,435 votes
Koko Pimentel - 11,283,357 votes
Nancy Binay - 11,041,386 votes
Bam Aquino - 11,001,047 votes
Bong Revilla – 10, 988, 697 votes
JV Ejercito – 10, 984, 412 vote
Jinggoy Estrada – 8, 654, 021 votes





Comments