top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nanlabang wanted patay

Pabs Hernandez III
May 18, 2019
1 min read

LEYTE—Isang most wanted criminal ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tambulilid, Ormoc City sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Joel Padilla, nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, darakpin ng pulisya si Padilla sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.

Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page