Mga ginamit sa halalan | 29 TRAK NG BASURA, NAHAKOT
- Gina Pleñago
- May 18, 2019
- 1 min read

NASA 29 dump trucks ng mga binaklas na election-related paraphernalias sa Metro Manila mula Marso 1 hanggang Mayo 16 ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, katumbas ito ng 200.37 tonelada o 705.34 cubic meters ang nakolekta ng MMDA Metro Parkways Clearing Group (MPCG).
Sa isinagawang post-election clearing operations, umabot sa 23.42 tonelada ang nakolektang basura sa kampanya nitong Mayo 14; 14.45 tonelada nitong Mayo 15 at 17.08 tonelada nitong Mayo 16 mula sa mga pangunahing lansangan at paligid ng mga eskuwelahan sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA hairman Danilo Lim, hindi itatapon sa mga landfill ang mga campaign material dahil ito ay ire-recycle at gagawing bags, placemats, baskets, school supplies at iba pang bagay na mapakikinabangan.
Bukas ang MMDA sa environmental groups na nais mag-recycle ng mga nakolektang election-related materials.
Higit 100 tauhan ang naka-deploy para baklasin ang mga campaign material sa mga pangunahing lansangan at ilang pampublikong paaralan sa Metro Manila.
Nitong Marso 1 ay itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) ang MMDA para alisin ang mga iligal na poster at iba pang gamit pangkampanya para sa midterm elections.





Comments