top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Marauder Ni Ronalyn Seminiano Reonico

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 1 min read

Sa gitna ng kampanya sa halalan,

dinakma’t, kamay ay pinosasan.

Sa hindi makatarungang dahilan,

dinaya sa sariling bayan!

Pikit ang mata’y binigyan ng upuan.

Baya’y bakit ipinagkatiwala sa dugo ng dayuhan?

Mandarambong at magnanakaw sa kaban,

bakit isinugal kinabukasan ni Inang Bayan?

Paulit-ulit na talastasan at palaisipan.

Hindi matapus-tapos ang kahirapan ng bayan.

Suliranin ng bayang may sapat na solusyon,

ngunit, minsan pa’y hindi binigyang-aksiyon!

Mga nakaambang

panganib na dulot ng kalikasan.

Hindi totoong sisira sa mahal na bayan!

Mata’y imulat at idilat, bigyang kaliwanagan!

Baya’y matagal nang sira sa kamay ng gahaman!

Ano pa’t sa dulo, tinta sa kuwaderno’t pahayagan?

Mga titik na inilimbag para sa kinabukasan.

Wala ring saysay kung paiirali’y katangahan.

Pilipinong tunay na alipin sa sariling bayan!

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page