top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG BF NA NASA MALAYO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang itanong kung makapag-aasawa pa ba ako at kung ano ang aking masusuwerteng kulay, petsa, taon at kung kailan ako makapag-aasawa?

May boyfriend ako ngayon, pero nasa abroad siya da­hil seaman siya. Siya na kaya ang makatutuluyan ko?

Kung sakaling magpapakasal na kami, ano kaya ang bagay o masuwerteng motif sa aming kasal? May 18, 1985 ang birthday ng boyfriend ko at November 14, 1989 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Delia ng Napindan, Taguig City

Dear Delia,

Tunay ngang compatible ang zodiac sign mong Scorpio sa zodiac sign na Taurus ng boyfriend mo kung saan ayon sa Oriental Astrology, ang Taurus na may elementong earth o lupa ay sadyang tugma sa Scorpio na nagtataglay naman ng elementong water o tubig.

Kung saan tulad ng nasabi na, ang tubig at lupa ay sadyang tugma sa isa’t isa dahil ang tigang na lupa ay nangangailangan ng tubig upang tubuan ng mga damo at masaganang pananim na nakapagbibigay ng luntiang kulay at kasaganahan sa kapaligiran.

Gayundin sa Numerology, ang birth date mong 14 o 5 (1+4=5) ay sadyang tugma sa birth date na 18 o 9 (1+8=9) ng boyfriend mo kung saan sa pang-statistical na pagtaya, ma­raming isinilang sa mga petsang 5, 14 at 23 ay nakatuluyan silang isinilang sa mga petsang 9, 18 at 27.

Ibig sabihin, kahit nasa abroad ang boyfriend mo dahil tugma kayo, malaki ang posibilidad na sa bandang huli, kayo na ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng simple at maligayang pamilya na ayon sa inyong Love Calendar ay na­katakda at posibleng mangyari sa taong 2021, sa buwan ng Hunyo o kaya ay Hulyo, sa edad mong 32 pataas at 36 naman ang boyfriend mo.

Mapalad ang mga Scorpio at Taurus sa motif na kulay pula o kaya ay berde sa araw ng kanilang kasal at puwede ring gamitin ang nasabing mga kulay bilang opisyal na kulay sa loob at labas ng inyong bahay upang mapanatili ang ma­sagana at maligayang relasyon, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page