Kahit pa raw tinatamad ka, besh! MGA BENEPISYONG MAKUKUHA SA PAGLIGO BAGO MATULOG, ALAMIN!
- Ronalyn Seminiano Reonico
- May 18, 2019
- 2 min read

KAWAY-kaway sa mga tropa natin diyan na hirap gumising sa umaga, ‘yung tipong dapat munang buhusan ng tubig para lang bumangon!
Sadyang mahirap bumangon at gumising tuwing umaga, lalo na ngayong nakararanas na tayo ng pag-ulan. Karamihan sa atin ay umaasa na lang sa paliligo o pagsa-shower tuwing umaga kung saan magigising ang ating diwa, lalo na kung matindi ang antok natin na hindi kayang labanan ng matapang na kape.
Ngunit, ayon kay Isadora Baum, CHC, health coach, mas mainam maligo o mag-shower tuwing gabi kaysa sa umaga sapagkat mas maraming benepisyo ang maidudulot nito sa ating katawan. Dagdag pa niya, magagawa rin nitong ayusin ang ating pagtulog. Sadyang napakaimportante ng 7 hanggang 9 na oras na pagtulog para maging energetic tayo, kinabukasan at ang paliligo o pagsa-shower sa gabi bago matulog ay makatutulong upang maging productive tayo, kinabukasan.
Ayon sa ilang pag-aaral, narito ang mga dahilan na dapat tayong maligo o mag-shower gamit ang maligamgam na tubig bago matulog:
1. YOU CAN’T GET ACNE. Napakasarap matulog sa gabi pagkatapos sumabak sa nakapapagod na araw. ‘Yung pag-uwi ng bahay, madalas mas pipiliin nating matulog kaagad kaysa kumain pa ng hapunan. Ngunit, ayon kay David Lortscher, certified dermatologist, ang madalas na pagtulog nang may pawis ay maaaring magdulot ng acne sa katawan at mukha, kaya mainam na mag-shower o maligo bago matulog upang maalis ang mga oil at dirt na nakuha natin maghapon.
2. SHOWERING AT NIGHT IS SO RELAXING. Ayon sa mga mananaliksik mula sa Harvard University, ang showering o paliligo nang hindi hihigit sa 90 minuto ay nakapagre-relax ng pagtulog. Ayon kay Dr. Janet K. Kennedy, psychologist, ang katawan ay natural na nagku-cool down sa tuwing natutulog tayo at ang paliligo ay nakatutulong upang mapabilis ang pag-cool down nito at mapahimbing ang ating tulog. Dagdag naman ni Michael Grandner, director of the Sleep and Health Research Program sa University of Arizona, ito ay makatutulong upang ma-relax at ma-unwind ang ating isipan.
3. IT CAN KISS YOUR HEADACHE AND STRESS GOODBYE. Sa loob ng isang araw, napakaraming pangyayari na nakapagdudulot sa atin ng stress na kung minsan ay nadadala natin hanggang sa pagtulog. Ayon sa Mayo Clinic, ang pagligo o pag-shower gamit ang maligamgam na tubig ay nakatutulong upang ma-relax ang muscles at mabawasan ang pagsakit ng ulo at stress.
4. IT CLEARS YOUR NOSE. Ayon sa manunulat ng North Carolina na si Jody Helmer, ang pagsa-shower o paliligo gamit ang maligamgam na tubig ay nakatutulong upang maging maluwag ang ating paghinga.
Oh, ayan mga tropa, alam na natin ngayon ang ilan sa mga benepisyo ng paliligo sa gabi, pero paalala lang, bagama’t, mainam ang pagsa-shower o paliligo sa gabi bago matulog, ang matulog nang basa ang buhok ay hindi nakabubuti sa kalusugan. Ayon kay professor of dermatology ng University of Pennsylvania na si Dr. George Cotsarelis, nakasisira ng hair follicles ang pagtulog nang basa ang buhok, kaya mainam na patuyuin muna ito.
Okie?




Comments