top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Epektib daw! BONG, TODO-THANK YOU NA WAGING SENADOR DAHIL SA BUDOTS DANCE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2019
1 min read

SA halip na magalit at mapikon sa mga panlalait sa kanyang pagsasayaw ng Budots na ginamit sa kanyang TV campaign ads, nagpasalamat pa si Bong Revilla, Jr. dahil napakalaki ng nagawang impact ng naturang campaign ad sa kanyang kandidatura.

Ayon na rin mismo sa pahayag ng Philippine Association of Advertisers ay most effective political ad ang Budots dance ni Bong at tumatak sa isip ng publiko ang No. 16 (number ni Bong sa balota) kaya nakatulong nang malaki sa pagbuhos ng boto niya nu’ng eleksiyon.

Pati ang mga bata ay tuwang-tuwa sa Budots dance moves ni Bong at kanila itong ginagaya.

May ilang bitter-bitter-an lang na todo-pintas sa ginawang Budots political ad ni Bong. ‘Yun lang daw kasi ang kayang gawin ng aktor, puro pagpapa-cute at pagpapapogi lang sa mga “bobotante” kaya siya pumasok sa Top 12 senators.

Nag-research ba ang mga bashers na ito sa mga naipasang batas ni Bong no­ong siya ay maupong senador?

Matinding inggit lang ang nararamdaman ng mga ito dahil sa kabila ng ibinatong putik kay Bong Revilla, Jr., mahal pa rin siya ng taumbayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page