Dadalo ng hearing | ABOGADO BINARIL
Jeff Tumbado
May 18, 2019
1 min read

ISA na namang abogado ang tinambangan sa Dagupan City, Pangasinan, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Atty. Val Crisostomo, legal counsel ng Peryahan ng Bayan.
Ayon kay Police Col. Wilson Joseph Lopez, binaril si Crisostomo sa harap mismo ng Hall of Justice, pasado alas-9:00 ng umaga.
Sinasabing dadalo sa pagdinig si Crisostomo nang tambangan.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang naturang pamamaslang.





Comments