top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alamin mula kay Maestro... IBA’T IBANG KAPALARANG NAKATAKDA SA MGA TANDANG NGAYONG TAON

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2019
3 min read

SAMANTALA, kung ikaw ay Tandang na isini­lang noong mga taong 1945 at 2005, sinasabing, ngayong Taon ng mga Ba­boy ay hindi mo na kaila­ngan pang hanapin ang kaligayahan sa malayong lugar, sa halip, sa ayaw at sa gusto mo, ayon sa mga bituin, ang kaligayahan ay nasa tabi mo lamang.

Kung ikaw ay may pa­milya, ibig sabihin, sa pag­mamahal sa pamilya mo ma­­­tatagpuan ang iyong ka­liga­yahan. Kung ikaw ay may girlfriend o boyfriend, mali­naw na sa kasin­ta­han mo ma­tatagpuan ang wagas na kaligayahan, masarap na romansa, maunlad na pa­mu­muhay at maliga­yang karanasan nga­yong 2019. Dagdag pa rito, sinasabi ring anumang likhang-sining ang iyong pag­kakaabalahan, tiyak na aani ka ng malala­king tagum­pay at kaligayahan.

Kung ikaw ay isinilang noong mga taong 1957 at 2017, sinasa­bing, kapag hindi mo ibinigay sa iyong kapwa ang iyong serbisyo at pag­tulong ngayong 2019, tiyak na hindi ka makatatanggap ng maraming pagpapala at suwerte.

Ibig sabihin, hini­hingi ngayong Taon ng mga Ba­boy ang iyong kooperas­yon at paglilingkod sa iyong kap­wa dahil habang iniaalay mo sa iba ang iyong dunong at galing, may bayad man o wala, ang ginagawa mong pag­seserbisyo, walang duda, ang langit ang magbibigay sa iyo ng maraming biyaya at malalaking gantimpala ngayong taon.

Kung ikaw ay isinilang noong 1969, sinasabing, ma­raming magagandang sorpresa ang ipagkakaloob sa iyo ngayong Taon ng mga Baboy, pero may kundis­yon. Ang kundisyon, kailangang lumabas ka ng bahay at makihalubilo sa lipunan sa­pagkat sinasabi ng mga bi­tuin sa langit na sa pakiki­ha­lubilo mo sa lipunan, ma­kakamit mo ang maraming suwerte at magagandang kapalaran.

Kung ikaw ay isinilang noong mga taong 1921 at 1981, sinasabing, sa pama­magitan ng iyong talino at ga­ling, madodoble nang lim­pak-limpak na salapi ang iyong investment. Ang ta­nong, may investment ka ba? Kung wala, okay lang dahil ngayong 2019 ay sad­yang magiging paborable sa iyong kapalaran ang aspe­tong pananalapi at career.

Kaya tulad ng nasabi na, anu­man ang iyong pinagka­ka­perahan, ang pasok ng sa­lapi ay magiging bultu-bulto at sobrang dami talaga na halos hindi mo na mabibi­lang pa ng iyong mga daliri sa ka­may at paa.

Upang lalo kang suwer­te­hin, kailangan ay maru­nong kang magpatawad sa mga taong nakagagalit at nakakasamaan mo ng loob. Kapag marunong kang mag­patawad at magpasensiya, tunay ngang mas marami pang suwerte at mga biyaya ang darating sa iyo. Saman­tala, pinag-iingat ka rin sa mga nagbabait-baitang mga kaibigan, ‘yung pagtalikod mo, ikaw ay itsinitsismis at sinisiraan. Oo, kapag hindi ka nag-ingat, may babala na maaari kang maloko at ma­pahamak.

Kung ikaw ay isinilang noong mga taong 1933 at 1993, magiging paborable ang larangan ng pag-ibig sa iyo. Ang problema la­mang, tutubuan ka ng selos, ga­yundin ang iyong kapa­reha. Isa lang ang dapat mong gawin, kung mahal mo ang iyong kasuyo, sa­wayin mo ang pagseselos na kumukurot sa iyong dibdib dahil hindi ito ma­­kabubuti sa in­yong re­lasyon.

Kung hindi mo siya gaanong ka­mahal at handa kang makipaghiwalay sa kanya, bago tulu­yang mag-apoy ang damda­min mo sa ka­seselos, mas mainam pang maghanap ka na lang ng ibang kasuyo na hindi mo pagseselosan. Sa ganyang paraan, dahil ayaw mong nag­seselos, mas ma­daling magma-matured ang im­mature mong personali­dad.

Dagdag pa rito, sinasabi ring kahit tapos na ang Ba­gong Taon o New Year, para sa iyo, ito ay panahon pa rin upang pagbutihin at pakini­sin mo ang magagaspang mong ugali. Kapag ganap ka ng mabait, maraming sor­presa at hindi inaasahang suwerte na may kaugnayan sa salapi at damdamin ang biglang darating sa buhay mo na magbibigay sa iyo ng malalaking pag-unlad at dagdag na ligaya ngayong 2019.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page