2 bebot tiklo sa shabu
RIZAL—Dalawang babae ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa bayan ng Angono sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Divina Dizon, nakatira sa Pasig City at Marimar Santos, resident ng Bicutan, Taguig City.
Ayon sa ulat, dadalawin nina Dizon at Santos ang isang kamag-anak nila sa bilangguan at nang siyasatin ng mga jailguard ang dala nilang instant noodles ay dito natuklasan na may laman itong anim na sachets ng shabu.
Dahil dito, dinakip sina Dizon at Santos at sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments